Prose Piece

Sssshhh…

Kung wala ka’ng Magandang sasabihin, sarilinin mo nalang.

Ang totoo, isa din ako sa maraming mga tao na mahilig magbabad at mag ubos ng oras sa social media. Bawat post na nakaka relate ako, shi-nishare ko sa wall ko.

Ano nga ba yung pumapasok sa isip ko sa tuwing ganun yung ginagawa ko?

Una, ang ganda nito naka relate ako.

Pangalawa, sana mabasa to ng taong nasa isip ko.

Pangatlo, matamaan at ma-realize niya sana to!

Bawat scroll, share.

Year 2009 mula nagkaroon ako ng facebook. Ayun lang yung maingay na platform ng panahon na yun. Halos lahat sa balita maririnig mo na nagpapa alala ng “Think before you click”. Pero napansin ko, parang sandali lang din pala ang itinagal ng campaign na yun.

Hanggang sa dumami na yung mga platform at social media.

Yung noon na puro paalala na think before you click. Unti-unting halos karamihan ginamit na ang social media para maging album ng mga binebentang damit, pagkain o kung ano anong gamit at serbisyo.

Hanggang sa naging parte na ng bawat araw ang pagbukas nito at ang paggawa ng content ay nagging  source na ng pagkita ng pera.

Oppss bago ko makalimutan, mabilis at malaking pera!

Isang post at content mo lang na mag viral sikat ka na. Dadami ang followers mo at ma mo-monitize ka. Isama mo pa dito kung palarin ka’ng makakuha ng mga endorsements.

Hanggang sa halos lahat na ata nagsi-gaya, ahhh lahat ba content creator na?

Hanggang sa laganap na talaga at meron pa ba kahit isa na tao ang walang social media?

Parang kahit kakasilang palang na sanggol meron na.

Hanggang sa naging concern na ng mga tao ang cyberhacking, privacy at nagkakaroon na ng nakawan gamit ang internet, nagsilabasan ang iba’t-ibang modus either kinukuha na ang identity ng iba para makapang scam sa friends nila.

O kaya naman ang bata bata pa, nakikipag chat na sa hindi niya kakilala.

Hanggang halos lahat ba naka private account na para hindi ma-biktima?

Wala na halos makitang algorithm si Meta. Paano siya kikita sa mga malalaking kumpanya na nagbabayad sa kanya na gusto malaman ang pulso ng mga tao at kumita’t makabenta.

Hanggang sa dumating ang Reels, ini-eencourage lahat na kahit personal na video mo pang content na at kikita ka.

Oppss! Para sa lahat nga ba? Kikita? Ganun ka easy? Kaya ba halos lahat nag public post na.

Ohh!, at sino na nga ba muli ang totoong makikinabang?

Send one star, 10 star, mag load ka sa g-cash para suportahan ang vlogger mo na kaibigan o pamilya. Ayy wait bahala na nga gagawa nalang ako ng isa pang account at bibigyan ko ng star ang sarili ko. Aasa ba ko na may susuporta sa katulad ko eh kahit mag share lang sila ng post ko hindi nila magawa..

Baka hindi naman sa ayaw nila. Gusto lang nila ng aesthetic na wall ng social media nila. Alangan naman lahat ng post mo ishare nila sa wall nila. Eh di sana nagging facebook mo nalang yun diba.

Ahhh, wait isipin ko.. diba dati hindi naman madamot ang tao sa supporta, naalala ko pa na halos 100 plus photos na ini-upload mo ni-lilike pa nila isa-isa..

Hmm.. tanong ko lang, ikaw ba sinusuportahan mo din ba sila?

Siguro, oo!

Nakasanayan na nga lang ng karamihan na ang pag gamit ng social media ay magparinig, mag encourage ng negativity, i-normalize na sabihin ang lahat ng nasa isip kahit hindi naman para sa kapakinabangan ng nakararami.

At nagging tom and Gerry nalang lahat na never ng nagka sundo.

At kung ano ano pa. Welcome to the real world! Ayan ang Darkside ng social media.

Makikita mo ang totoong ugali ng tao base sa mga post nila.

Sigurado ka ba? Eh di ba masyado ng matatalino ang mga tao sa panahon na to?

Pero bakit puro negatibong bagay nalang lahat ang inaambag nila sa mundo?

Isipin mo. Sa bawat isang tao, nakaka influence ka ng isa pa’ng tao na magiging negatibo din ang tingin sa kapwa tao..

Gaano nga ba katagal para maging lahat ay mahawaan at maging katulad nila?

Yung nanay ko kasi pinabili ako ng saging. Okay naman lahat ng nabili ko bukod sa isang piraso na lamog at sira na. Pero nakalimutan ko tanggalin. Nahawa tuloy yung iba. Nagalit tuloy si mama.

Uyy.. alam mo tama ka!

Hmm.. parang ang toxic pa din pakinggan ee. Tingin mo?  _______________________

Relate ka? Share now!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *